ARESTADO ang dalawang kasambahay kabilang ang isang Pinay at isang Indonesian makaraang paslangin ang Pakistani driver na sinasabing nakarelasyon ng mga suspek sa United Arab Emirates.
Ayon sa ulat ngayong Lunes ng Khaleej Times, isang UAE news site, inamin ng mga suspek ang pagpaslang sa kuwarto mismo ng biktima.
Hindi naman pinangalanan sa ulat ang pagkakakilanlan ng mga kasambahay.
Dahil dito, hinikayat ng pulisya na iwasang kumuha ng mga domestic helpers na magkaiba ang kasarian sa isang bahay upang maiwasan ang naturang sitwasyon.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga kasambahay na sangkot sa krimen ay pawang naninilbihan sa Emirati family.
Lumabas sa forensic report na nakipaglaban ang biktima bago nawalan ng buhay.
Matapos mapatunayang may relasyon ang dalawang maid sa biktima, agad na inaresto ang mga ito. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment