Friday, October 3, 2014

Liquor ban sa Bar Exam, ipinatupad

MAHIGPIT na ipatutupad ng lungsod ng Maynila ang liquor ban sa paligid ng University of Sto. Tomas (UST) sa apat na Linggo ng Oktubre dahil sa isasagawang bar examinations.


Sa inilabas na Executive Order No. 65 ni Manila Mayor Joseph Estrada, ipagbabwal na ang pagbebenta at pag-inom ng alak mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng gabi ng Oktubre 5, 12, 19 at 26.


Ang mga tindahan, restaurant at kainan na nagbebenta ng alak sa loob ng 200 metro sa paligid ng UST partikular na ang España Blvd., Lacaon Ave., Dapitan St. at P.Noval St. ay bawal nang magtinda epektibo sa nasabing oras at petsa.


Maaring makulong ng hindi bababa sa 6-buwan at magmulta ng hindi bababa sa P200 o pareho ang isang indibidwal na mapapatunayang lumabag sa nasabing kautusan.


Bukos dito, ang mga establiyimentong lumabag sa kautusan ay posible ding maipasara.


Batay sa opisyal na listahan ng Supreme Court Ofgice of the Bar Confidant, nasa 6,344 examinees ngayon ang kukuha ng 2014 Bar examinations sa UST. JOCELYN TABANGCURA DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Liquor ban sa Bar Exam, ipinatupad


No comments:

Post a Comment