NAHAHARAP sa dalawang kasong panggagahasa ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay ng kanyang dalawang kapatid sa bayan ng Sta. Barbara sa Pangasinan.
Ayon kay PO3 Ariston Noval II, Warrant Officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dagupan, personal na dumulog sa kanilang tanggapan ang magkapatid na menor-de-edad para isuplong ang 27-anyos nilang kuya na kasalukuyang naninirahan sa La Union dahil sa ginawang panghahalay sa kanila.
Bunsod nito, tumungo mismo sa La Union ang mga kagawad ng CIDG para arestuhin ang suspek.
Napag-alamang dalawang taon na ang nakakalipas nang mangyari ang paghahalay sa magkapatid na edad 14 at 17-anyos.
Posible umanong natakot ang mga ito dahilan para ngayon lamang magsumbong sa kapulisan.
Maayos namang sumuko ang suspek na inamin ang ginawang kasalanan at handa raw niya itong pagbayaran. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment