Tuesday, October 28, 2014

Jolina, balik-kapamilya na!

AMINADO ang singer-actress na si Jolina Magdangal na sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon dahil sa rami ng positibong mensahe at reaksyon mula sa iba’t ibang tao kaugnay ng kumpirmasyon niyang siya ay nagbabalik na sa ABS-CBN.


Inihayag ito ni Jolina sa kanyang unang araw ng taping noong Lunes (Oktubre 27) para sa kanyang upcoming drama series na “Flordeliza,” kung saan makatatambal niya ang kanyang long-time na ka-loveteam na si Marvin Agustin.


“Sobra na akong excited at kinakabahan, in a good way, sa lahat ng mga susunod na mangyayari. After 12 years, I’m finally back home,” ani Jolina tungkol sa kanyang homecoming sa Kapamilya.


“Unang nagpa-consider sa akin para bumalik ay ‘yung mga nakatrabaho ko rati on-and off-cam. Una na riyan si Direk Wenn Deramas. Siya kasi ang director sa huli kong movie sa Star Cinema na ‘Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.’ Kaya nang malaman kong siya ang gagawa ng ‘Flordeliza,’ ang saya-saya ko talaga kasi alam kong hindi ako mahihirapan,” paliwanag ng aktres na sumikat noong dekada ’90 sa mga programa ng ABS-CBN gaya ng “Ang TV,” ”Gimik,” ”Esperanza,” at ”Labs Ko Si Babe.”


Ngunit bukod kay Direk Wenn, ang magandang kwento ng “Flordeliza” at ang nami-miss niyang tandem nila ni Marvin ang nagpapayag sa kanyang tanggapin ang bagong Kapamilya project.


“Ibang-ibang Marvin at Jolina ang mapanonood ng viewers sa ‘Flordeliza.’ Dahil kung noong teenagers kami ay pinakilig namin sila, ngayon naman ay magugulat sila sa kakaibang roles namin na dapat talaga nilang abangan,” ani Jolina.


Bahagi rin ng palabas si Desiree del Valle at ang mga bagong Kapamilya child stars na sina Rhed Bustamante and Ashley Sarmiento.


***


MALAS ANG NAGBALIK PELIKULANG AKTRES-AKTRESAN


For the first time ay wala kaming nakuhang figure kung magkano ang kinita o kinikita ng pelikulang kinatatampukan ng magaling na aktor at beteranong aktor kasama ang aktres-aktresan na sosyalera at maarte. Ayaw magbigay ng pamunuan ng exact figure basta kumikita raw ito. Sabagay, quality naman talaga ang movie, walang maipipintas dito, maliban lang sa ilang komento na medyo malalim daw kasi ito kaya parang hindi naarok ng masang manonood.


Nagpagtataka ring hindi ito naging blockbuster gayong maganda nga ang palabas na ito at magagaling ang mga karakter lalo na ang bida, puwera lang sa isang aktres-aktresan na panay ang ngawa na halata namang ginagamit ang aktor para pag-usapan siya at mabigyan ng project. Type na type raw nito ang aktor at ang lakas pa ng loob ng humingi ng another project na kasama ang una gayong siya ang itinuturong naging malas sa movie na ‘to.


Anyway, hindi raw yata gusto ng publiko na panoorin ang hitad na walang respeto sa magulang. Kapag sinuportahan kasi ang career nito ng publiko, baka mas lalong humaba ang nasa ulo at suwagin na talaga nang tuluyan ang kanyang mga mahal sa buhay.


Hehehe!


***


LIBRENG HALLOWEEN CONCERT, HANDOG NG MOR SA MGA KAPAMILYA


“MORe fun at MORe music” ang handog sa mga Kapamilya ng official FM radio station sa Metro at Mega Manila ng ABS-CBN na My Only Radio (MOR) 101.9 For Life! sa gaganapin nitong “MOR Live” Halloween concert ngayong Biyernes (Oktubre 31), 9PM, sa Tiendesitas sa Pasig.


Tutugtog sa libreng concert ng MOR ang bandang Rivermaya, YouTube sensation na si Jireh Lim at folk-pop maestro ng Star Records na si Darryl Shy. Bahagi rin ng concert ang official launch ng “Dear MOR” book ng ABS-CBN Publishing, Inc. na pamaskong handog ng MOR sa lahat ng loyal listeners ng hit radio drama anthology sa tanghali nina DJ Jasmin at Popoy.


Huwag palampasin ang “MOR Live!” sa Tiendesitas ngayong Biyernes at patuloy ring tumutok araw-araw sa MOR 101.9 For Life!” at “MOR TV” sa www.mor1019.com.


Para sa iba pang updates kaugnay ng “M.O.R. 101.9 For Life!” i-‘like’ lamang ang Facebook fanpage nito sa Facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Jolina, balik-kapamilya na!


No comments:

Post a Comment