Wednesday, October 1, 2014

Estudyante nadale ng “salisi gang”

MULING pinag-iingat ng pulisya ang publiko laban sa mga naglipanang kawatan gaya ng “salisi gang” habang papalapit ang kapaskuhan.


Ito’y matapos magharap ng reklamo sa Quezon City Police District station 10 ang isang estudyanteng nabiktima ng salisi gang na nakilalang si Ina Belo, ng 15 Charity St., Capitol Estate 2, Batasan Hills, Bgy. Commonwealth, QC.


Ayon sa ulat, kumakain ang biktima sa isang restaurant sa panulukan ng Dr. Lascano at Tomas Morato, QC nang tabihan siya ng dalawang lalaking nagpanggap na kostumer dakong 6:00 ng kagabi, Setyembre 30, Miyerkules.


Pero makalipas ang ilang saglit, biglang umalis ang mga suspek, kasabay ng pagkawala ng bag ng biktimang naglalaman ng mga gadget na umaabot sa halagang isang daang libong piso.


Agad nagreklamo ang biktima sa himpilan ng pulisya. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Estudyante nadale ng “salisi gang”


No comments:

Post a Comment