Sunday, October 26, 2014

‘DI KASARIAN ANG MAHALAGA

GAMIT na gamit ang salitang “transgender” matapos ang pagpaslang kay Jeffrey Laude alias Jennifer na ang itinuturong may kagagawan ay si US Marine Joseph Scott Pemberton.


Kamakailan, may baklang pinatay sa inuman sa Metro Manila at ginamit na kaagad ng mga pulis at mamamahayag ang salitang ‘transgender.’


Ano nga ba ang ibig-sabihin ng salitang ito?


Hindi naman ang salitang “transgender” ang importante sa kaso ng pagpaslang ng miyembro ng US Marine na bahagi ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa kaso ni Laude na pinatay sa isang motel sa Olongapo City.


Hindi ang kasarian ng tao ang importante sa pag-aaral ng kasong nakasampa sa piskalya at hukuman kaya’t hindi na dapat pang paulit-ulit na sabihing transgender ang pinaslang ng isang sundalong Amerikano.


Tama ang sinabi ng isang piskal mula sa Olongapo City na dumalo ng pagtitipon ng mga miyembro ng Rotary International District 3810 sa World Trade Center kamakalawa.


Anang piskal, hindi importante kung transgender o hindi ang pinaslang.


Ang inaalam, aniya, ng piskalya ay kung sino ang pumatay.


Tama naman ang sinabi ng piskal sapagkat walang kinalaman ang kasarian ng pinaslang, maging babae o lalaki ito, sa imbestigasyon sapagkat ang importante ay kung sino ang pumatay at ang mga katibayan laban sa inaakusahan.


Kaya nga kahit lalaki, babae o ano pa man si Laude, dapat lang na kumilos ang pamahalaan para papanagutin ang may kagagawan sa kanyang pagkamatay.


Hindi rin mahalaga kung ano ang trabaho ni Laude kung kaya’t nasa isang bar siya sa Olongapo kung saan siya pinick-up ng sundalong Amerikano.


Mananatiling ang pinakamahalaga ay kung sino ang pumatay kay Laude.


Iyon ang dapat na tutukan.


Hindi dapat bigyan ng bigat ang kasarian at trabaho ng pinaslang upang mapagaan lang ang kaso laban sa akusado.


Kahit pa sabihing sex worker si Laude, may karapatan pa rin itong mabuhay sa paraang nais niya.


Malaking kasalanan pa rin ang pagpatay sa kanya kahit pa sabihing isa siyang “Transgender.”


oOo

BELATED happy birthday to my lovely cousin, Roah Adriano. PAKUROT/LEA BOTONES


.. Continue: Remate.ph (source)



‘DI KASARIAN ANG MAHALAGA


No comments:

Post a Comment