Tuesday, October 7, 2014

CFC, sisilip din sa bahay ni Purisima

HINDI lang sa mga miyembro ng media, kundi pati sa mga eksperto sa pag-assess ng ari-arian ay ipasisilip din ang kontrobersyal na bahay ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima sa San Leonardo, Nueva Ecija, ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Wilben Mayor kaninang umaga, Oktubre 7.


“The PNP chief had already said that he is transparent with all his properties. Kung may mga expert na gustong bisitahin ‘yung kanyang property sa San Leonardo, I’m sure the PNP chief will accommodate them as long as they undergo the right procedure,” pahayag ni Mayor.


“Gumawa sila ng formal request, kapag na-approve ni PNP chief, we can schedule their visit,” dagdag pa nito.


Inalmahan ni Mayor ang naging reaksyon ng consumer rights group na Coalition of Filipino Consumers (CFC) na nagsabi na ang pagsilip ng mga miyembro ng Fourth Estate ay walang napatunayan dahil walang kasamang representante na mula sa Office of the Ombudsman at ng Assessor’s Office ng San Leonardo, na maga-assess kung magkano talaga ang halaga ng ari-ari ni Purisima.


Kinuwestyon din ng grupo kung bakit biglang nagkaroon ng assessment ang naturang ari-arian sa kabila ng wala ito sa listahan ng Registry of Deeds ng San Leonardo na naunang nang naiulat.


Tumanggi naman si Mayor na magkomento sa pinakabagong alegasyon ng CFC hinggil sa assessed value, at sinabing sasagutin ni Purisima ito sa “the proper time and venue”. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



CFC, sisilip din sa bahay ni Purisima


No comments:

Post a Comment