Friday, October 3, 2014

BULLET PROOF CAR NI PURISIMA

HINDI natin maarok ang patuloy na pagdedepensa ni Pangulong Aquino kay Dir. Gen. Alan Purisima na inaakusan ng katiwalian.


Pagkatapos sumipot sa pinatawag na Senate inquiry noong Lunes, Setyembre 29, para sagutin ang mga paratang sa kanya, sinabi ng mga tagapagsalita ni PNoy na may moral ascendancy pa raw si Purisima para pangunahan ang Pambansang Kapulisan.


Anak ng tokwa, sa mga taga-Palasyo, ang PNP chief ay ‘malinis’, pero sa sambayanan ito ay korap.


Sa kanyang testimonya, hindi nasagot ang mga tanong ng mga senador tungkol sa mga nabulgar na napakaraming ari-arian na nagkakahalaga ng milyones.


Bukod sa kanyang ilang bahay, kasama na ang mansion sa Nueva Ecija, mamahaling mga sasakyan at ‘di maipaliwanag na pagkakaroon ng negosyo, may bagong expose ang ABS-CBN.


Paano ipaliliwanag ang pagkakaroon n’ya ng isang bullet-proof na sasakyan na sa ulat ng nasabing network ay nagkakahalaga ng P7-million hanggang P8-million?


Ano ba ang alas ni Purisima at hanggang ngayon ay bini-baby pa siya ng Pangulo?


SABUNGAN CON-CASINOS TULOY


Muli nating kuligligin si Mayor Manny Alvarez at C/Insp. Telesforo Domingo tungkol sa operasyon ng JGV cockpit sa Bgy. Quilib at Natu cockpit sa Bgy. Natu – parehong makikita sa bayan ng Rosario.


Aba, mayor, ligal na sabungan ang mga ito dahil may mga kaukulang permit, lisensya at iba, pero bakit may operasyon ng sakla at iba pang iligal na sugal dito?


Sa JGV cockpit, ang pasimuno umano ng operasyon ng iligal sa sugal ay isang dating pulis na nagngangalang Marcing Legarte at Mario Medina.


Sa Mataas na Kahoy, Bauan, ang Lion Sports area at Bauan cockpit ay may mga pasakla at iba pang sugal na nilalaro rin dito.


Bukod sa sports complex, Mayor Jay Ilagan, sir..may gambling den umano sa Manghinao Cockpit na ini-operate nina Jing at Elvis.


Bukod sa mga sabungan na ito, inireklamo rin ang pergalan sa Bgy. San Carlos at Bgy. Tibig, Lipa City na ang operator ay isang nagngangalang Erik.


Mayor Meynard Sabili, kumilos ka naman. Paghuhuliin mo ang mga iyan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



BULLET PROOF CAR NI PURISIMA


No comments:

Post a Comment