Friday, October 3, 2014

ABU SAYAFF, BIFF, MILF = BANGSAMORO STATE

ASUS ba o ISIS? Ibig kong sabihin, alin ang totoo, propaganda lang ba ng Abu Sayyaf ang pakodak nila na pupugutan ang mga bihag nila na matatandang Aleman (Germans) ‘pag walang P250-milyon na ransom o para sa pagsuporta nila sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)?


Whichever. Tulad ng sinabi ng Malacañang at military natin, epal lang daw ng Abu Sayyaf ‘yun.


May balita pa na may mga miyembro na sila at ang MILF breakaway group ni Kumander Kato ng Bangsamoro Islamic Freddom Fighters (BIFF).


Sana nga ay totoong epal lang ng ASG ang pugot ulo para makuha ang ransom.


Pero papaano naman ‘yung nainterbyu ng RMN na opisyal daw ng Abu Sayyaf na meron na silang miyembro na nasa kampo na ng ISIS?


Remember, marami na silang pinugutan na bihag at sundalo natin noon.


Mas takot ako na baka lalong maging radikal and Abu Sayyaf at BIFF nang malaman nila ang “pangako” ni Don Benigno Aquino 3rd sa Amerika na tutulong daw ang Pilipinas sa pagsugpo ng ISIS!


Asus, ipapahamak pa niya ang mga Filipino?


Hanggang maaga, dapat upuan ng Malacañang at OPAPP ang panukala nila na BBL o Bangsamoro Basic Law.


Kausapin ang MILF para magbigay ng katiyakan na kaya nilang kontrolin ang mga kababayan natin, lalo na ang mga organisadong grupo ng terorista – ASG at BIFF – sa bubuuin nilang estado.


Komitment ng MILF ang kailangan sa usaping pangkapayapaan na ito.


Tiyakin nila na walang anoman na karahasan ang magaganap sa ilalim ng BBL.


Pero hanggang ngayon, wala pa rin silang imik sa tanong natin na sa sandaling maitatag ang Bangsamoro State sa Mindanao: bandila ba ng Pilipinas ang iwawagayway?


Kung hindi kayang tiyakin ng MILF ang total control sa usapin ng seguridad sa kanilang rehiyon, walang kwenta at hindi dapat ipasa ang BBL.


Hindi na kaya ng lipunang Filipino ang anomang anyo ng kaguluhan sa bansa natin.


Kapayapaan, ngayon na!


Alam din natin na talamak hindi lang ang bentahan ng malalakas na armas sa Mindanao kundi mismo ang mga iligal na droga.


Magalit man sa atin ang ilang kapatid na Muslim, masyado nang marami sa kanila ang sangkot sa paglalako ng bawal na gamot – sa buong bansa!


Sana nga ay maging tapat ang MILF na nagsulong ng Bangsamoro state kapalit ng ARMM.


Sana ay maituwid nila ang malalang korapsyon ng mga nagdaang lider nila. Sana.


Kung hindi kayang magkomit ng MILF, balewala rin ang lahat na effort sa peace talk. Asus nga! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



ABU SAYAFF, BIFF, MILF = BANGSAMORO STATE


No comments:

Post a Comment