Wednesday, August 27, 2014

Sharon at Kiko going strong ang relasyon

LAST August 23, sabay-sabay na binisita sa kanyang Alabang house ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ng mga anak na sina Lucho at Yohan, Mommy Carol Santos, Direk Joyce Bernal, Direk Dante “Ga” Garcia, pamangking si Daniel at daughter na si KC Concepcion si Sharon Cuneta. Animo’y isang malaking event ang nangyari noong gabing ‘yun dahil sa rami ng mga sumugod sa bahay ni mega.


Syempre nagpunta ang mga nabanggit upang bigyan ng moral support ang nanay-nanayan namin sa showbiz na may pinagdaraanan ngayon sa buhay. Sabay-sabay na nag-dinner ang lahat kasama ang hubby ni ‘Nay Shawie na si Secretary Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.


Dalawa ang mag-asawang Juday at Ryan sa mga tini-treasure ni Sharon na mga kaibigan niya at karamay sa lungkot at saya. Ilan pa sa mga pinasalamatan nito ay sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Bing Loyzaga, Cherie Gil, komedyanteng si Chokoliet at si AiAi delas Alas.


Sa pagdamay ng mga nabanggit na kaibigan ay isang maramdaming post ang pinakawalan ng megastar, “So wonderful to be surrounded by people you love and who love you back,” papuri pa ni Shawie sa mga nabanggit na showbiz friends. Samantala, last August 24 ay masayang sinelebrate ni Kiko ang kanyang 51st birthday kasama ang misis na si Sharon mga anak at ilang mga kaibigan. At hanggang ngayon ay matatag pa rin ang relasyon ng ideal couple na ito na 18 years na palang kasal. Ikinasal ang mga ito noong April 28, 1996. At narito ang birthday messages ni Shawie sa birthday celebrant na hubby politician.


“Happy birthday to my husband and sweetheart Kiko. I love you very much Dada. I thank God for bringing you into my life. Thank you for being a great husband to me, and a fabulous father to our children. I am so proud to be your wife. May God bless you and protect you and bring you home safely to us every single day. Have a blast today!”


Kaya roon sa mga gustong intrigahin ang mag-asawa ay sorry na lang sa inyo dahil hindi niyo na sila mapaghihiwalay. I agree 101% gyud! WALANG KIYEME/Peter S. Ledesma


.. Continue: Remate.ph (source)



Sharon at Kiko going strong ang relasyon


No comments:

Post a Comment