Wednesday, August 27, 2014

May sayad todas sa dalawang pulis

PATAY ang isang lalaki na hinihinalang may diperensya sa pag-iisip matapos mabaril ng dalawang pulis na kanyang inatake ng bato sa Tondo, Maynila.


Sa report ni SPO1 Richard Escarlan, naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima na nakilalang si Romar Pedrosa, nasa edad 35-40, may taas 5’5-5’6, maputi, may bigote at umano’y empleyado ng Hilmarc’s Construction Corporation base sa nakuhang dokumento sa kanyang bulsa ngunit binawian din ng buhay.


Nauna rito, namataan umano ang biktima kahapon sa harapan mismo ng MJH sa may Nolasco St., Tondo, Maynila na may hawak na bato bukod pa sa may nakasukbit na patalim sa kanyang beywang.


Tiyempo namang naka-duty si PO1 Resty Hipolito, 32, nakatalaga sa Anti-Cyber Crime Group sa Camp Crame at naka-detail sa Moriones Police Station 2 ng MPD, nang mamataan ang biktima sa bisinidad ng Plaza Morga.


“Sinita nong pulis ‘yong victim pero sa halip na magpaliwanag ay ibinato sa kanya ‘yong hawak na bato at tinamaan sa tiyan, hindi naman pinatulan ng pulis nong una pinasuko pa rin, kaso bumunot ng patalim sa kanyang bewang at inatake pa si PO1 Hipolito,” ayon kay Escarlan.


Sa pangamba sa kanyang buhay, pinaputukan ni Hipolito ang biktima sa kanang hita pero patuloy pa ring inatake ang pulis kaya muli niya ‘tong binaril sa kaliwang hita.


Sa puntong iyon, nakita nang papauwi na si PO2 Eugene Morales, 35, nakatalaga sa MPD-District Headquarters Support Unit ang komosyon kaya lumapit at sinunggaban ang biktima pero nakawala pa rin at si Morales naman ang inatake.


Sanhi nito, muling pinaputukan ni Hipolita ang biktima na sa ikatlong pagkakataon ay tinamaan na sa katawan at pagkatapos madisarmahan ay isinugod sa MJH pero binawian rin ng buhay.


Sa nakuhang impormasyon, pagala-gala umano ang biktima sa Plaza at nambabato ng salamin ng mga kotseng nakaparada, pinakahuling binato ng biktima ay isang Honda Jazz na may plakang XMH-490 at pag-aari ng isang Paul Laceda. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



May sayad todas sa dalawang pulis


No comments:

Post a Comment