Saturday, August 2, 2014

Sen. Lito Lapid, may hirit sa Ombudsman

UMAPELA si Sen. Lito Lapid sa Office of the Ombudsman na suriin munang mabuti ang lahat ng dokumento kaugnay sa kinasasangkutang multi-milyong pisong fertilizer fund scam na inihain laban sa kanya, noong siya ay gobernador pa ng Pampanga.


Ang apela ni Lapid ay matapos lumabas ang ulat na nagpalabas na ang Ombudsman ng resolusyon, para ipagharap siya ng kasong graft kaugnay sa P728-milyong pisong fertilizer fund scam.


Nakiusap si Lapid na huwag pangunahan ang ano mang development ng kaso at mas mahalaga na makapag labas ng resolusyon batay sa ebidensya.


Ito na ang ikawalong graft case na isinampa sa Ombudsman laban kay Lapid simula nang siya ay manungkulan noong 1995 at ito rin ang ikalawang kaso na nakarating naman sa Sandiganbayan. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Sen. Lito Lapid, may hirit sa Ombudsman


No comments:

Post a Comment