NAKATAKDANG magsagawa ng rally ang mga guro at mga magulang ng mga mag-aaral sa isang elemetarya sa isa sa mga apektadong barangay sa bayan upang iapela ang agarang aksyon sa kanilang nararanasang problema sa pag-atake ng mga langaw.
Kaugnay nito, nagpadala na ng technical team ang Environmental Management Bureau (EMB) Bicol sa bayan ng Guinobatan, Albay upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa reklamo ng mga residente sa ilang mga barangay na apketado ng sandamakmak na langaw.
Ito ang kinumpirma ni EMB Bicol Regional Director Robert Sheen at sinabi nito na magsasagawa sila ng testing sa tubig at hangin sa paligid ng manukan gayundin sa mga apektadong barangay.
Nadiskubre rin ng ahensya na may ilang mga paglabag ang inirereklamong poultry farm kahit pa kumuha rin ito ng Environmental Compliance Certificate (ECC) kabilang na ang hindi pagsumite ng semi-annual report sa kanilang opisina.
Matatandaan na una na ring binigyan ng 12-araw na palugit ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan ang mandamiento ng manukan upang ma-comply ang sanitation order ng kanilang ipinalabas na matatapos na rin sa Agosto 4, Lunes.
Napag-alaman na maging ang klase sa ilang mga eskwelahan ay apektado na rin ng pamemerwisyo ng mga nasabing peste. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment