Sunday, August 24, 2014

Pagkalat ng mga pekeng titulo ng lupa bubusisiin

IPABUBUSISI sa Senado ni Sen. Koko Pimentel ang talamak na pagkalat ng mga pekeng titulo ng lupa sa bansa partikular sa General Santos City (GenSan).


Hiniling ng solon sa kaniyang Senate Resolution No. 856 na magsagawa ng imbestigasyon at magrekomenda ng mga solusyon para matuldukan ang ganitong panloloko at matulungan ang mga inosenteng biktima.


Aniya, nasa 6,000 bogus na titulo ng lupa ang naiulat na kumakalat ngayon sa GenSan City pa lamang, isang gawain sa loob ng maraming dekada.


Patunay lamang aniya na ang patuloy na pagkalat ng fake land titles na ang land registration syndicates ay nag-o-operate sa maraming lugar sa bansa.


“This phenomenon in General Santos City of the proliferation of fake land titles could not have been made possible without the sanction of Courts that breathe life into spurious or inexistent titles,” aniya.


Nakalulungkot man, ipatatawag nito ang ilang personnel ng Registrar of Deeds, at ang korte sa lugar upang maglinaw sa napaulat na pagkalat ng mga pekeng titulo sa GenSan at iba pang bahagi ng bansa.


Aniya, upang mapanatili ang tapat at integridad sa public service, mandato ng gobyerno na magkaroon ng positibo at epektibong mga batas laban sa graft and corruption.


Tinukoy nito ang probisyon sa konstitusyon na sinasabing: “no person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law.” Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkalat ng mga pekeng titulo ng lupa bubusisiin


No comments:

Post a Comment