Friday, August 22, 2014

PAG-IBIG: HINDI NA MAUULIT ANG ISA PANG PANLOLOKO!!

SINIGURO ni Atty. Darlene Marie Berberabe, President and Chief Executive Officer ng Pag-IBIG sa publiko na hindi na mauulit ang isang panloloko tulad ng “scam” ng Globe Asiatique (GA).


“Pagkaupo ni Bise-Presidente Jejomar Binay bilang Chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees noong 2010, isa sa mga direktiba niya ay busisiin ang mga “account” ng GA para masiguro walang gaps or loopholes, naiayos ang pagproseso at hindi na maulit ang nagawang paglilinlang ng GA. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ipinataw niya ang mas mahigpit na pamantayan sa aming transaksyon ukol sa pautang sa bahay para matiyak na walang “developer” ang mag-huthut sa Pag-IBIG ulit,” ayon kay Atty. Berberabe.


Ginawa ang pagtitiyak nito ng pinuno ng Pag-IBIG sa kabila na may balita na may isang “developer” inaakusahang nag-isyu ng “double sales,” isang iligal na gawain na kung saan ang isang bahay ay binebenta sa dalawa o higit pang mga “unit buyer”. Ito ay unang lumabas noong patibayin ng Pag-IBIG ang ilang account ng GA na pag-aari ng akusadong si Delfin Lee. Kahit ito ay isang hiwalay na balita, gusto parin nila na linawin ito dahil nakasalalay rito ang tiwala ng mamamayan.


Ang naturang “developer” ay kinilala sa balita at sinasabi na ang Pag-IBIG ang nagpopondo sa kahina-hinalang proyekto ng “developer”. Nilinaw ni Atty. Berberabe na hindi pinopondohan ng ahensya ang alinmang proyekto ng identified developer, kahit na may naka-binbing for project accreditation application sa Pag-IBIG. Dahil sa may istrikto nang reporma na ipinataw, kung sakali mang may isa pang kahalintulad ng GA, ito ay malayo at imposible mangyari uli.


Ang GA scam ang nagbunsod sa ahensya ng Pag-IBIG na magsagawa ng mga pagbabago sa kanilang home financing program, kabilang ang pagbabasura sa kanilang pautang sa ilalim ng Window 1, isang special lane na pumapayag sa mga developer na gumawa ng evaluation sa financial capability of potential borrowers at ang developer ang magsusumite ng kanilang potential borrowers application documents. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



PAG-IBIG: HINDI NA MAUULIT ANG ISA PANG PANLOLOKO!!


No comments:

Post a Comment