SUMAMPA Ang Nougat sa semifinals ng 2014 Danny Espiritu Cup Basketball tournament matapos ilista ang 86-78 victory laban sa Supreme Pipe-Uratex nakaraan sa Makati Coliseum.
Dumaan munaa ng Nougat sa tatlong sunod na kabiguan bago nakakuha ng lakas kina Jerald Bautista, Rene Boy Banzali at Jan Colina para isalba ang koponan at ilagay sa Final Four sa event na inorganisa ng One Unite Sports.
Tumikada si Bautista ng season-best 21 points kasama ang 8-of-8 sa stripe para sa Nougat.
Hindi pinaporma ng Nougat ang Supreme Pipe-Uratex mula umpisa hanggang sa huli.
Nagdagdag si Banzali ng 13 habang si Colina ay may 13 puntos din kasama ang tig-limang rebounds at assists at apat na steals para sa Nougat.
Sina Jack Corpuz at Reyl Vasquez ang nanguna sa opensa para sa Supreme Pipe-Uratex matapos magtala ng tig-19 markers.
May identical 2-3 win-loss slate ang Nougat at Supreme Pipe-Uratex pagkatapos ng eliminations round subalit sumampa sa semis ang una matapos ipatupad ang win-over-the-other rule.
Masaklap ang pagkakalaglag ng Supreme Pipe-Uratex sa F4 dahil sila mismo ang dumungis sa malinis na karta ng Skyforce.
Tinalo ng Uratex ang Skyforce 103-74 noong Hulyo 24.
Ang Skyforce ay binabanderahan ng mga PBA Developmental League players tulad nina Jeff Viernes at Mac Montilla.
Makikilatis naman ang tikas ng Nougat dahil makakaharap nila ang Skyfortce sa semifinals knockout game.
Maghaharap naman ang Racal Motors at Gerry’s Grill sa isang pares ng semis match. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment