Saturday, August 2, 2014

Libreng operasyon sa bingot, muling inilunsad

IBINABALIK ng Quezon City government ang ngiti sa may 30 kabataan na ipinanganak na bingot o may cleft lip o palate.


Sa pakikipag-ugnayan o kooperasyon sa Philippine Band of Mercy aat sa QC General Hospital (QCGH), nailunsad ni Mayor Herbert Bautista ang nasabing programa para maisakatuparan ang paggamot at rehabilitasyon sa mga kabataan na may kapansanan sa bibig.


Tinaguriang “Operation Bingot,” ang programa ay inaalok ng libre ng QC government sa mga kuwalipikadong indigent city residents.


Sa ilalim ng isang memorandum of agreement, ang PBM, sa pamamagitan ng mga accredited plastic surgeons at anesthesiologists, ang siyang mamumuno sa nasabing surgical mission, na nasimulan na nitong nakaraang Hulyo 30 at 31 at Agusto 1, 6 at 7 sa QCGH.


Maliban sa nasabing medical team, magbibigay din ang PBM ng mga gamot at surgical supplies na kailangan bago at pagkatapos ng operasyon.


Ayon kay Dr. Richard Joseph C. Cabotaje, isang plastic surgeon, karaniwan sa mga private hospitals ang maningil ng aabot sa P70,000 para sa isang cleft lip operation habang ang isang clip palate operation naman ay aabutin ng P80,000.


Bukod sa mga makinang gagamitin na kailangan sa pre-screening at laboratory examination, ang QC government at QCGH ang bahala rin sa lahat ng labaratory examinations, kabilang ang complete blood count (CBC), urinalysis, fecalysis at chest X-ray.


Kabilang din sa medical program ang pagtingin sa mga kabataang may hydrocephalus at cataract operation naman para sa mga senior citizens at rectal examination para sa prostate-related diseases sa mga tricycle drivers at operators at mga barangay tanods. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Libreng operasyon sa bingot, muling inilunsad


No comments:

Post a Comment