Friday, August 1, 2014

MELBA’S FARM NI ALVIN CARRANZA SA TALISAY CITY, NEGROS OCCIDENTAL

ANG Melba’s Farm ay isang mala-paraisong lugar na matatagpuan sa itaas ng isang burol, tunay na makalalanghap ka ng sariwang hangin malayo sa ingay ng lungsod at tunay na maaaliw ka sa maganda at maaliwalas na tanawin dahil sa luntiang kagubatan.


Ang advocacy ng Melba’s Farm ay upang i-Conserve, Preserve & Protect the environment.


Naisaayos ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng, iba’t ibang uri ng pananim sa kagubatan tulad ng mga punong kahoy na namumunga ng sagana, mga endemic tree na nagbibigay ng kakaibang kapaligiran na sadya para sa ecotourism na lugar para sa mga proyektong darating.


Asian Tropical Architecture ang pagkadisenyo ng Melba’s Farm na may infinity pool at makatawag pansin na cogon pavillion, na napaliligiran ng mga punong kahoy na namumunga ng masagana, tulad ng lansones, marang, niyog, papaya, durian at marami pang iba.


Maaari rin mag tree planting, retreat, Team-Building, Nature trail at bagay na bagay sa mga mahihilig sa Nature Photography.


Si Alvin Carranza, ang nagmamay-ari ng Melba’s Farm na may 10 hectares Rainforest Park sa pusod ng Talisay City, Negros Occidental. Sa kasalukuyan, 2 hectares pa lamang ang napaunlad subalit patuloy pa rin ang gagawing pagpapalawak ng lugar.


Bilang Team Manager ng Teen Azkals, balak ni Alvin Carranza gawing itong Eco Tourism park at Football Stadium upang maging sanayang lugar ng mga future Teen Azkals.


May plano rin palawakin ang pagpapakilala o gawing Tourist Attraction ng buong siyudad, katulad ng Glass Museum or Negros Forest and a Ecological Foundation, Inc. para mailigtas ang ating kalikasan upang hindi maging huli ang lahat.


Nais din ni Alvin Carranza na magkaroon ng paaralan, ang mga magsisipagtapos ay makatulong sa ating pagpreserba ng ating kalikasan upang maging eco-friendly.


Nais kong pasalamatan si Alvin Carranza at ang kanilang staffs: Lea Ceraos, Junjon Castillo, George Garcia, Manuel Padilla at Ronilo Alintana. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



MELBA’S FARM NI ALVIN CARRANZA SA TALISAY CITY, NEGROS OCCIDENTAL


No comments:

Post a Comment