MAY bagong statement na pinadala ang GMA 7 sa email na nagsasaad na “GMA network does not release its talents from their existing contracts without a valid cause or basis particularly if the reasons cited by its talents are not true.
“We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s complaint.”
Ayan na! Naku, lalong lalaki ang gulo kung nagkataon dahil sensitibo ang mga paratang raw ni Aljur sa network na nagbigay sa kanya ng break kung ano na siya ngayon.
Nabalitaan lang namin na gustong umalis ni Aljur sa Kapuso network at lilipat na raw ito sa kabilang istasyon.
Noon pang summer naisulat namin sa aming kolum na gagawa ng pelikula si Aljur at ka-tandem niya ang mabilis na sumikat na si Alden Richard ang Cain at Abel.
Na-inspired kasi ang studio nila sa tagumpay ng tambalang Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa beki serye na My Husband’s Lover at sila naman ni Alden ang susubukan kung magki-click ba sila.
Kapag ganitong may away ang network at si Aljur, malamang na iburo ang aktor at hindi na muna bibigyan ng anomang proyekto. Kami man ay nanghihinayang kung hindi matutuloy ang Cain at Abel at tuluyan na itong ma-shelve. Pagkakataon na sana ito ni Aljur na maituring din siyang action star dahil parang remake ito ng pelikula noong 50s ni Da King Fernando Poe, Jr. at Zaldy Zshornack na gawa ng Premier Productions. Sana mag-isip isip si Aljur kung bakit niya nagawa ito sa kanyang mother studio na inihabla niya.
-0-
Natutuwa naman kami rito sa maganda pa ring aktres na si Kristel Romero na ang sipag-sipag puntahan ang may mga pa-auditions sa mga network at maging sa Cinemalaya Films. Last year ay nakadalawa siyang nasalihang pelikula at magiging tatlo sana kung natuloy ang SUGO ng Diyos na bioflick ni Ka Erdy Manalo kung saan ang bida sana at siya pa ang titulo ng pelikula ay si Senator Bong Revilla.
Nagtataka naman kami para kay Kristel na bukod sa maganda pa rin ang face na tila hindi tumatanda at magaling namang umarte ay puro oh, promise me lang ang kanyang mga natatanggap sa mga taong nangangako sa kanya. Sasabihin sa kanya pagkatapos ng audition ay ganito, ‘O, sige. Okay ka na rito at tatawagan na lang kita.’
Maging sa mga direktor, ganyan din ang mga dialogue sa kanya.
Natatawa na lang ang walang kupas na aktres kapag naaalaala niya ang mga salitang ‘yan. MEMORABILIA/Matuk Astorga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment