POSIBLENG anomang oras ngayong Sabado o Linggo, lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon kay state weather forecaster Aldczar Aurelio, alas-4:00 ng madaling-araw nang huling namataan ang LPA sa layong 190 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Mababa ang posibilidad na maging bagyo ang sama ng panahon.
Ngunit ngayong Sabado, makaaasa ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Cagayan, Ilocos Norte at Palawan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Pero asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa hapon o gabi. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment