WALANG problema sa Malakanyang ang pagkakaroon ng dalawang kalihim sa Department Of Agriculture (DA) sa katauhan nina Secretaries Proceso Alcala at Francis Pangilinan.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala namang nakikitang conflict sa trabaho ng dalawang opisyal dahil maayos naman ang koordinasyon ng mga ito.
Si Pangilinan ang inatasang ng Pangulo sa National Food Authority (NFA) habang si Alcala naman ang nangangasiwa sa iba pang may kinalaman sa agrikultura.
Sinabi ni Lacierda na nagtutulungan naman ang dalawa at kapwa sinisikap na maisaayos ang sektor ng agrikultura sa bansa. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment