Friday, August 22, 2014

Letran pinasabog ang JRU

SUMANDAL ang Letran Knights kay Mark Cruz upang kalusin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 84-77, sa 90th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City, Biyernes ng hapon.


May taas na 5-foot-7 si Cruz subalit siya ang pumapel na bayani para sa last year’s runner up Letran matapos itarak ang 26 points, limang steals at dalawang assists at saltohin ang asam ng Heavy Bombers na hawakan ang solo tersero puwesto sa team standings.


Bumira ang point guard, Cruz ng back-to-back triples sa extra period upang ilista ang 4-6 win-loss record ng Letran at ipalasap sa host school JRU ang pang-apat na kabiguan sa 10 laro.


Umiskor ng dalawang puntos ni Rey Nambatac habang tumipa ng dalawang sunod na tres si Cruz upang ilagay ang Letran sa unahan, 78-70, may 3:05 minuto na lang sa OT.


“He’s one of the leaders of this team and today (kahapon) he showed why,” patungkol ni Letran coach Caloy Garcia kay Cruz.


Pumalag naman ang Heavy Bombers ng magpasabog ito ng 5-0 run para tapyasin ang abante ng Intramuros-based squad Letran, 75-78.


Sumagot naman agad ang Letran ng ibaon ni Cruz ang apat na sunod na free throws para umalagwa muli ang Knights, 75-82, may 25 segundo na lang sa oras.


Tabla ang iskor sa 68 may 1:12 minuto na lang sa fourth period.


Na-shotclock violation ang Letran kaya lumamang ang Heavy Bombers, 70-68, matapos ang pilipit na tira ni Michael Mabulac may 30 segundo na lang.


Tumawag ng timeout si Garcia para idesenyo ang panablang puntos (70 all) na sinalpak ni Jamil Gabawan, 28 segundo pa sa orasan.


Sa sumunod na play, sa hangin tumama ang tira ni Mabulac habang nagmadali naman si Cruz kaya nagmintis ito at magkaroon ng extra limang minutong laro.


Nag-ambag ng 21 puntos si Nambatac habang bumakas sina Tambeling, Kier Quinto at Racal ng tig-12, 8 at 7 points ayon sa pagkakasunod.


Si Philip Paniamogan ang nanguna sa opensa para sa JRU na may 26 pts. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Letran pinasabog ang JRU


No comments:

Post a Comment