MAKARARANAS ngayong araw ng sampung oras na brownout sa ilang bayan sa Ilocos Norte.
Ayon sa Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC), ilang bayan ang ang sampung oras na brownout ay magsisimula ngayung umaga sa oras ng alas-7:00 hanggang alas-5:00 mamayang hapon.
Ang mga bayan na apektado ay ang bayan ng Burgos maliban lamang sa Barangay Payas, buong bayan ng Bangui at Dumalneg, at ang bayan ng Pagudpud maliban ang Barangay Panzian at Pasaleng.
Pangunahing dahilan ng brownout ay ang pagsasagawa ng naturang electric cooperative ng maintenance at upgrading sa mga distribution facilities nito bilang paghahanda kung sakaling darating ang anomang bagyo o masamang panahon sa lalawigan. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment