Tuesday, August 26, 2014

KILALA MO?

KAMAKALAWA ay National Heroes Day.


Ang araw na itinalaga para gunitain ang mga bayaning Filipino.


Maraming bayani ang kasaysayan ng Filipinas pero may mga bayani na hindi masyadong kilala, hindi masyadong sikat.


Hayaan ninyo akong magpugay sa ilan sa kanila sa araw na ito: Capt. Jose Cabalfin Caluga (1907-1998), taga of Leon in Iloilo, ang kaunaunahang Pinoy na ginawaran ng WW II Medal of Honor.


Teresa Magbanua – ang kaunaunahang babaeng Filipino na lumaban sa digmaan laban sa mga kalabang Espanyol at mga Amerikano noong giyera. Siya ang tinaguriang “Joan of Arc” ng Visayan region.


Matapang sa laban dahil sa angking galing sa pangangabayo at pamamaril ay naging lider ng Kabisayaan laban sa mga mananakop.


Agueda Kahabagan – isa pang babaeng bayani. Babaeng Heneral. Hindi rin siya masyadong kilala at walang masyadong datos tungkol sa kanya pero ayon sa ilang historical documents siya ay walang inurungang laban, madalas nakaputi at matapang na nagwagayway ng bolo laban sa mga kaaway ng bayan.


Renato Bucag – isa sa mga sikat na politiko noong dekada sitenta, miyembro ng PDP Laban.


Buong tapang na lumaban sa diktaduryang Marcos.


Sinuong ang panganib para ipaglaban ang prinisipyo ng malayang bayan at demokrasya.


Pinaslang siya at ang kanyang pamilya ng mga paramilitary groups.


Panday Pira – ang kauna-unahang panday na ginamit ang kanyang kaalaman para labanan ang mananakop tulad ng paggawa ng kanyon at mga espada.


Mariano Llanera – ang Heneral na taga-Nueva Ecija na lumaban sa mga kastila sa Bulacan, Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija. Kaibigan siyang matalik ng batang Heneral na si Gregorio del Pilar.


Trinidad Tecson – Ang tinaguriang “Mother of Biak na Bato”, nakipaglaban din sa mga mananakop sa ilalim ng grupo ni Heneral Llanera.


Mapanganib sa kababaihan ang digmaan pero buong tapang na kumilos si Tecson para magkaroon ng mga baril ang mga katipunero, mabigyan sila ng pagkain at maalagaan ang mga sugatan.


Napakarami pang mga bayani ang hindi kilala, lalo na ng kabataan. Sana sa araw na ito ay nabigyan natin sila ng saglit na panahon para makilala at mapagpugayan. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


.. Continue: Remate.ph (source)



KILALA MO?


No comments:

Post a Comment