GINUGUNITA ngayong Huwebes ang ika-31 anibersaryo ng pagbabalik-bansa at pagkamatay ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
Taong 1983, matapos ang tatlong taong exile sa Amerika, napagpasyahan ng dating senador na kilalang kontra kay Pangulong Ferdinand Marcos, na magbalik-bansa at ituloy ang adbokasiya kontra sa diktadurya sa bansa.
Ngunit pagbaba nito sa tarmac, nabulaga ang lahat nang i-assassinate ang senador.
Ang orihinal na intensyon ni Ninoy sa kanyang pag-uwi ay kausapin nang masinsinan si Marcos at kumbinsehing ibalik ang demokrasya sa pamamagitan ng mapayapaang paraan.
Tanyag ang statesman sa kanyang binitawang pahayag na ‘The Filipino si worth dying for’.
Isa rin si Ninoy sa mga tumindig para tutulan ang term extension ni dating pangulong Marcos.
Kaugnay ng anibersaryo, isang wreath laying ceremony ang nakakasang ganapin sa ngayong Ninoy Aquino International Airport.
Mayroon ding inilunsad ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) para balik-tanawin ang pagkamartir ni Aquino.
Ang August 21 ay idineklarang special non-working holiday ngayong araw na ito sa bansa. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment