DAHIL hindi naabutan ng pera, ginulpi ng isang binatilyo ang kanyang sariling nanay sa Quezon.
Isinugod kaagad sa pagamutan ang biktimang si Lilie Bustamante, 55, at isinailalim sa pagsusuri sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.
Nahuli naman agad ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Jay-B, 18.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10 p.m. ng Miyerkules sa mismong bahay ng mag-ina sa Candelaria, Quezon.
Bago ito, humingi ng pera ang suspek sa kanyang nanay at nang walang maiabot ay nagalit ito at pinagsusuntok ang ulo at tagiliran ng kanyang nanay saka tumakas.
Dahil nakahingi naman agad ng tulong sa pulisya ang mga kapitbahay, hinabol ni SPO1 Christopher De Guia ang suspek at nang maabutan ay tinangka nitong agawin ang service firearm ng naturang pulis.
Pero sa tulong ng isa pang pulis na dumating ay nasakote ang suspek. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment