Friday, August 22, 2014

Exciting at naiiba ang manner of hosting!

NATAKOT at kinabahan si Mariel Rodriguez sa ginawang opening ni Robin Padilla sa Talentadong Pinoy 2014. Iba talaga ang karakter na ibinigay ni Robin sa show kung ikukumpara sa dating host na si Ryan Agoncillo. Umiiral alaga ang pagka-action star niya at ipinapakita niya ‘yung siya bilang si Robin Padilla.


Pag-enter pa lang, energetic na. Hindi naman palaging may opening number si Binoe dahil gagawin lang ‘yung sa mga special na okasyon. Ngayong second episode ay gigimik na siya sa mga spiels niya.


May isang contestant din na lumalambitin sa ere with tela, ginagaya ni Robin ‘yun. Si Mariel naman ay tumatakbo sa production, nagagalit at sinasabing hindi niyo ba siya pahihintuin? Kumbaga, tinatanong niya kung hahayaan ba nila na gawin ni Binoe ‘yun? Of course, natatakot si Mariel para sa asawa niya.


Hindi rin kasi mapigilan si Robin, susubukan niya talaga kung anuman ‘yung mga extreme na talent. Wish nga ni Mariel, sana walang contestant na kakain ng blade at baka gayahin din ng action superstar-host.


‘Pag sumasayaw nga ‘yung mga contestants after ng performance nila before ng judging sinusubukang i-try ni Robin. Gusto raw niyang ma-feel kung ano ang nararandaman ng mga contestants. Sey nga ni Binoe: “Hindi niyo alam dancer din ako dati sa school.” Kaya naman nagsasayaw din siya sa show.


Patok ang initial telecast ng TV5 ng Talentadong Pinoy 2014. Sa pamantayan ng Kapatid network, mataas ang ratings ng time slot na ‘yun sa show nina Binoe at Mariel. Napataas talaga nila ang value ng 7PM to 8 PM tuwing Sabado.


Naisakatuparan din ang request ni Robin na maka-lunch ang mga contestants.


So, hindi na mukhang strangers sa kanya ang mga contestants at mukhang may rapport pag kinakausap niya after ng performance nila at mas totoo ‘yung mga nagiging comments niya.


So, hindi lang abogado si Robin sa mga contestants kundi personal din ang pagiging host niya sa mga performers sa Talentadong Pinoy.


Sa first episode ng talentado ay meron daw nai-save si Robin pero hindi rin diumano kagalingan. Pero kaakibat ng pag-save ni Binoe sa nasabing contestant ay mabuksan ulit ang kurtina para matapos man lang ‘yung perpormance at mapanood ng buo. Sinabi ni Robin: “Kayo naman, isinara ninyo agad, hindi pa nga pumi-pick-up ‘yung performance niya.”


Althought, alam din ni Robin na hindi pa rin pang-winning performance ‘yun.


Kaya hindi naman siya umapela sa jury. Binigyan lang niya ng chance na matapos para makita ng mga tao kung ano ‘yung performance niya at climax nito.


Ang isa pa kasing dapat gawin ni Robin ay iapela sa mga jury kung maganda talaga ang performance ng contestant.


Kung ‘yung contestant na ‘yun ay nasarahan at naawa man si Robin pero kung para sa kanya ay karapat-dapat talaga i-save, ang next niyang gagawin ay i-appeal ito sa jury para bigyan ng higher score para madala.


Malaki rin ang parte ni Mariel sa power to save ni Robin at makikipag-usap nito sa mga contestants at relatives ng mga contestants during the show dahil laging ipinapaalala ni Mariel at at binabalik ang mga katagang “okey, mabalik tayo sa nakita nating performance.” Kumbaga, si Mariel ang pang-back to reality after ng kwento ng mga contestants at mga kamag-anak na may paawa effect at emote sa buhay.


Isa pang nakatutuwa kay Robin, lumalapit siya sa audience at walang bagot moment. Ngayong second episode ay nagbigay siya ng pera sa audience. Ang ginawa niya ay nagtanong kung sino ang may talent diyan. Parang dalawa o tatlo tapos ‘yung pinakamagaling ay binigyan niya ng pera. Hindi lang sure kung mai-ere ang part na ‘yun dahil one hour lang ang “Talentado” dahil hindi for airing ‘yun.


Gustong isama ng production dahil masaya siya, ang magpipigil lang sa kanila ay ‘yung running time ng programa.


Sa third episode ng “Talentadong Pinoy 2014″ ay abangan din dahil si Richard Gurierrez ang isa sa mga judge.


Kailangan na ring magpondo ang mag-asawa ng advance episodes dahil magsisimula na ring mag-shoot si Robin ng kanyang entry na “Bonifacio” para sa MMFF. XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Exciting at naiiba ang manner of hosting!


No comments:

Post a Comment