Friday, August 22, 2014

Bebot na asset, itinumba

TODAS ang isang babae na umano’y asset ng mga pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa isang madilim na eskinita kaninag madaling-araw, August 22, sa Navotas City.


Patay mismo sa pinangyarihan ang biktimang si Jacquelyn Leongson, 42, walang trabaho, ng Block 33, Lot 20, Aries St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Pinaghahanap naman ang suspek na mabilis na naglaho sa dilim matapos ang pamamaril.


Sa pinagsanib na imbestigasyon nina PO2’s Phillip Edgar Valera at Allan Bangayan, dakong 2:20 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang insidente sa madlilim na eskinita ng BlocK 39, Fatima St., Brgy. Daanghari.


Naglalakad umano ang biktima nang sumulpot ang hindi nakilalang suspek sa likuran nito at walang kaabog-abog na pinagbabaril si Leongson na agad nitong ikinamatay.


Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek matapos ang krimen dala ang ginamit na baril.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad dahil hinihinalang asset ng mga pulis ang biktima dahilan upang itumba ito ng mga nasagasaan nitong tulak sa nasabing lugar. Roger Panizal


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot na asset, itinumba


No comments:

Post a Comment