AMINADO si Bea Alonzo na natutuwa siya kapag may maiinit silang sagutan at tarayan ni Maricar Reyes sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
“Nag-e-enjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang Sasha at Rose,” pahayag ni Bea nang mag-renew siya ng two-year contract sa Kapamilya network kamakailan.
“Nakakatuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay, hindi namin ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin,” dagdag pa ng aktres.
Kung mortal silang magkaaway sa SBPAK at laging nagtatarayan, kabaligtaran daw ito in real life.
“Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo (Avelino) sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa,” say pa ni Bea.
Sa totoo lang, hindi lang naman sila ang nag-i-enjoy sa tarayan nila kundi maging ang mga viewer. Sa tuwing may mainit silang sagutan, nagti-trending ito at ang daming quotable quotes na napupulot ang manonood.
In fairness kay Maricar, sumasabay siya sa husay ni Bea. Para sa amin, ito na yata ang best acting performance niya ever. MAURIRAT/Cesar Pambid
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment