Friday, August 1, 2014

Bagyong Jose, papasok sa PAR sa Lunes

SA Lunes tinatayang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang pangsampung bagyo ngayong taon, ayon sa ulat kaninang umaga, Agosto 1, ng state weather bureau.


Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malamang sa Lunes o Martes pumasok ng bansa ang bagyo na pangangalanang “Jose.”


Inaasahang dadaan ito sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon, ngunit nilinaw ng PAGASA na wala itong magiging direktang epekto sa bansa.


Namataan ang bagyo na may international name na “Halong” sa 1,740 kilometro silangan ng Central Luzon.


Taglay ni Halong ang lakas na 85 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 100 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran.


Tatlo hanggang apat pang bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa bansa ngayong Agosto.


Samantala, uulanin ang Pilipinas ngayong weekend dahil sa pag-iral ng hanging habagat. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Jose, papasok sa PAR sa Lunes


No comments:

Post a Comment