Wednesday, May 28, 2014

SUV nahulog sa bangin, 6 sugatan

POSIBLENG nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng SUV na nahulog sa isang bangin na may lalim na 100 ft. sa Camp 5, Kennon Road, Tuba, Benguet na nakasugat sa anim na pasahero kasama na ang apat na bata.


Ayon sa salaysay ng ilang concerned citizen na nakakita sa aksidente, nawalan ng kontrol ang driver sa nasabing SUV nang tangkain nitong mag-overtake sa isa pang sasakyan kaya nabangga sa gilid ng bundok bago nahulog sa bangin.


Una nang nakilala ang mga biktima na sina George Manas, 35, at driver ng nasabing sasakyan; Junia Minas, 30 at ang anak nito na sina Kyle Minas, 11; Kurt Russel Taynan, 9; Khyle Shun Taynas, 8, at Lander Lasaten na pawang ng Western Buyagan, La Trinidad, Benguet.


Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang mga nasabing biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center.


Matatandaang nanggaling ang nasabing sasakyan sa nasabing lugar para kumuha ng bulaklak nang mahulog sa bangin.


The post SUV nahulog sa bangin, 6 sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SUV nahulog sa bangin, 6 sugatan


No comments:

Post a Comment