Friday, May 2, 2014

Nauhaw: Paslit uminom ng gaas

DAHIL sa labis na pagkauhaw, isang paslit ang uminom ng gaas makaraang mapagkamalan itong tubig sa Brgy. Taba-ao Banga, Aklan.


Halos walang ulirat nang isinugod sa ospital ang dalawang-taong-gulang na babae na si Glenda Ricablanca, residente ng naturang lugar.


Inoobserbahan na ang bata sa Aklan Provincial Hospital matapos na magbago ang kulay nito at nawalan ng malay sanhi ng nainom na gas.


Sa imbestigasyon ng Banga-Philippine National Police station, habang naglalaro ang bata sa loob ng kanilang bahay ay kinuha nito ang isang bote at pinabuksan sa kanyang ama.


Hindi umano napansin ng ama na kerosene ang laman ng naturang bote kaya’t binuksan at ibinigay sa kanyang anak.


Ilang minuto ang nakalipas pagkainom ng bata, agad itong nagsuka at nawalan ng malay.


The post Nauhaw: Paslit uminom ng gaas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nauhaw: Paslit uminom ng gaas


No comments:

Post a Comment