PINABULAANAN ng Malakanyang na sila ang nasa likod ng pagpapatalsik sa puwesto kay Laguna Governor ER Ejercito, tulad ng ipinaparatang ng gobernador.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) ay nakabatay sa mga ebidensyang iniharap sa kanila.
Una nang sinabi ni Ejercito na hindi malayong ang Malakanyang ang nasa likod sa kanyang pagkaka-disqualify dahil hindi siya kaanib ng Liberal Party (LP).
Dahil dito, hinimok ng palasyo si Ejercito at mga tagasuporta na sundin ang batas at huwag nang kontrahin ang pag-upo sa pwesto ng bagong gobernador na si Ramil Hernandez.
The post Malakanyang pumalag sa akusasyon ni ER Ejercito appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment