Wednesday, May 28, 2014

Magkapatid na paslit patay sa lunod sa Muntinlupa

ISANG magkapatid na paslit ang namatay matapos malunod sa swimming pool sa loob ng isang condominium sa Muntinlupa City sa ulat ng awtoridad.


Ayon kay Alex Arellano, tatay ng mga biktimang sina Stephanie Gayle, 7 at Wayne Alfred, 4, iniwan niya ang dalawa na naglalaro sa gilid ng pool matapos manghingi ang mga ito ng pagkain.


Pero laking gulat ni Arellano nang abutang wala nang buhay ang mga anak na nalunod sa pool na kanya pa aniyang ibinilin sa tiyuhin ng mga ito.


Hinihiling na ang kopya ng CCTV sa nasabing condominium para malaman kung papaanong nalunod ang dalawang bata.


The post Magkapatid na paslit patay sa lunod sa Muntinlupa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkapatid na paslit patay sa lunod sa Muntinlupa


No comments:

Post a Comment