Saturday, May 3, 2014

Huwag nagpapaniwala sa mga balitang kutsero!

ANG laki raw ng kaba factor ni Anne Curtis dahil siya na ang susunod sa Araneta Coliseum sa May 16 entitled Forbidden Concert: Round 2 Annekapal. Napuno ito ni Daniel Padilla sa pangalawang pagkakataon kaya ang tanong ay kung mapupuno rin ulit ni Anne?


Bagama’t parehong nilalait ang mga boses nila, marami naman ang gustung-gusto na panoorin sila.


Kumbaga, marami silang napapasaya.


‘Yun naman ang importante, ‘di ba?


-0o0-


NALOKA kami sa tawag na natanggap namin at nagtatanong kung totoong tsugi na si Zsa Zsa Padilla. Nadisgrasya raw ito sa daan kasama ang kanyang driver pagkagaling sa taping.


Hindi naman ito pumutok agad sa social media at maging sa mga showbiz website kaya sa palagay namin ay false alarm.


Kung grabeng nadisgrasya si Zsa Zsa, imposibleng hindi pagpistahan ‘yan sa news, ‘di ba?


-0o0-


TAMA lang naman na hindi makisali si Governor Vilma Santos-Recto sa kagagawan ng isang dating writer–Vilmanian, na lumikha ng gulo at samaan ng loob sa pagitan nina Nora Aunor at Coco Martin.


Sey raw ni Gov Vi, ‘wag na patulan ang ganyang isyu..Kumbaga, count your blessings. At sa rami ng mga iniintindi niya sa Batangas City, hindi nga naman kailangan pang bigyan niya ang atensyon ang kadiwaraan ng isang fan niya na hindi maka-move on sa rivalry ng Nora-Vilma.


Ang nakakaloka, muntik nang mademanda ang writer na naniwala at pumatol sa kuwento ng isang Vilmanian. Kaya ang leksyon diyan, ‘wag ulit patulan ang ikinakalat na isyu ng baklitang ‘yan.


‘Yun na!


-0o0-


PATOK ang love team nina Alexa Ilacad at Nash Aguas sa ‘Luv U’ kaya balitang sila ang magbibida sa seryeng Inday Bote. Maricel Soriano ang peg?


Nagbunga ang pag-build up ni Direk Bobot Mortiz sa dalawa.


“Sa Goin Bulilit pa lang po ginu-groom na kami ni Nash bilang loveteam,” sey ni Alexa na noon pa man ay tinutukso ang dalawa na crush nila ang isa’t isa.


Maalaga raw si Nash bilang ka-loveteam at marami rin siyang natutunan.


Talbog!


The post Huwag nagpapaniwala sa mga balitang kutsero! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Huwag nagpapaniwala sa mga balitang kutsero!


No comments:

Post a Comment