ENGAGED na si Bianca Gonzales sa basketeer na si JC Intal. Meron na ring bahay na ipinatayo si JC. Handang-handa na nga talaga itong maging mister ni Bianca.
Ang problema, itong Kapamilya host ay tila wala pa sa bokabularyo niya ang maging full-time wife and mother. Boring daw para sa kanya ang maging taong-bahay.
“In my head, parang ang sarap isipin na ganu’n, you don‘t have to worry about anything but taking care of the house. But knowing myself, I will really get bored. I‘ll still really be a career woman,” ani Bianca.
Ano kaya ang masasabi ng Barako Bull player na ‘to sa statement ng kanyang wife-to-be? Hindi pa pala ito handa na magkaroon nang sariling pamilya. Baka maging part two lamang sila nina Maricar de Mesa at Don Allado ng Meralco Bolts na panay daw ang away dahil ayaw umano ni Maricar na magbuntis pa. Pareho na raw silang nakuhanan ng semilya para sa artificial insemination pero nakalagak lang ito sa freezer at super tigas na dahil hinihintay pa kung kaylan papayag si De Mesa na mai-inject sa kanya ang naturang cells.
Well, baka iba naman ang maging kapalaran ni Intal at Gonzales. Depende ‘yan sa pagsasama at sa kanilang usapan.
***
JOHN LLOYD, MAY ISYU SA BIYENAN
NAGIGING magulo na talaga ang mga bagay para kay John Lloyd Cruz bilang kanyang karakter na si Romeo sa hit sitcom na “Home Sweetie Home.”
Pagkatapos lamang magkagulo sa kanyang trabaho, uuwi si Romeo sa isa pang malaking problema sa bahay—ang pagiging masungit ng kanyang biyenan na si Nanay Loi (Sandy Andolong) sa kanya at kay Daddy V (Rico Puno).
Dahil sa magaspang na ugali at pakikitungo ni Nanay Loi kina Romeo at Daddy V, unti-unting nauubos na ang pasensya ng dalawa. Magiging dahilan kaya ang lahat ng ito sa malaking tampuhang hindi maaayos? Malalampasan kaya ng mag-asawang sina Romeo at Julie (Toni Gonzaga) ang ganitong klaseng pagsubok?
Alamin sa “Home Sweetie Home” ngayong Linggo (Mayo 4) pagkatapos ng “Goin’ Bulilit”.
Huwag palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, ang “LUV U” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 19”, at ang “Goin’ Bulilit” tuwing Linggo pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”.
***
LANI MISALUCHA, IBIBIDA ANG GANDA NG OPM
NAGBABALIK sa recording scene matapos ang limang taon ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa paglunsad niya ng kanyang kauna-unahang album sa bago niyang recording label na Star Records.
All-Filipino tracks ang laman ng nasabing album na pinamagatang “The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook.”
Kabilang sa tracklist ang kanyang carrier single na “Muli,” at ang mga makatindig-balahibong collaboration ni Lani kasama ang Journey frontman na si Arnel Pineda sa kantang “Maging Sino Ka Man;” at sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, at Yeng Constantino sa track na “May Bukas Pa.”
Bahagi rin ng pinakabagong album ng award-winning at internationally-acclaimed singer ang revival ng mga sikat na OPM classics tulad ng “Anak,” “Paano,” “Ikaw Lamang,” “Pangako Sa’yo,” “Saan Darating Ang Umaga,” “Bulag, Pipi at Bingi,” “Gaano Kadalas Ang Minsan,” “Tayong Dalawa,” at ang kanyang kauna-unahang movie theme song na “Starting Over Again” para sa blockbuster movie ng Star Cinema na may kaparehong pamagat.
Ang “The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook” album ay mabibili na sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350 lamang.
Maaari na ring ma-download sa Internet ang nasabing tracks. Mag-log on lang sa iTunes, Amazon.com,at MyMusicStore.com.ph.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Buhay may-asawa, boring kay Bianca Gonzales appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment