PINAGBUNTUNAN ng sisi ng Pangulong Noynoy Aquino ang mga electric cooperative sa Mindanao sa mabagal na pagresolba sa mga nagaganap na brownout sa lugar.
Ayon kay PNoy, naabisuhan na ang mga electric cooperative noon pang isang taon na bumili na ng generator sets para madagdagan ang supply ng kuryente.
Sinabi ng Pangulo na mayroong isang program na patatakbuhin ang generators para hindi na kumuha ng kuryente sa grid ang malls at ang diperensya sa presyo ay binabayaran ang distribution utility para mabawasan ang kailangang i-generate ng generators na magagamit naman ng ibang wala nito.
Gayunman, inihayag ni PNoy na nag desisyon lamang ngayong taon ang mga kooperatiba na mag-invest sa generators.
The post Brownout sa Mindanao, isinisi sa mga electric cooperative appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment