Friday, May 2, 2014

Biometrics mahalaga sa halalan — De Villa

SUPORTADO ng isang election watchdog ang voter’s education campaign ng Commission on Elections (Comelec) para ipaalala sa mga botante ang kahalagahan ng pagpapa-biometrics ng registration na magsisimula sa Mayo 6 hanggang sa Oktubre ng taong 2015.


Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) national chairperson Henrietta de Villa, isa itong epektibong paraan para hikayatin na magparehistro ang mga botante at ipaalam din sa mga ito ang kanilang mga kailangang gawin.


Base sa report, layunin ng Walkah, Walkah campaign o walking education campaign ng Comelec na sisimulan sa Laoag, Ilocos Norte at magtatapos sa Matnog, Sorsogon na hikayatin ang mga botante na magparehistro.


Layunin rin nito na mahimok ang mga walang biometrics record na magpa-validate ng kanilang registration at alamin ang mga problema o concern ng mga botante.


Ayon kay de Villa, bagama’t hindi sila kasama sa mga maglalakad ay sasalubong naman ang mga lokal na volunteers ng PPCRV sa mga lugar na pupuntahan ng Comelec.


Sa records ng Comelec, mula sa 52-million registered voters ay mahigit sa 9 na milyong botante sa buong bansa ang wala pang biometrics registration habang mayroon naman umanong mahigit tatlong milyon ang first time voters.


“This is a good campaign, kasi it’s a new way of challenging Pinoy voters to take registration seriously. Awareness, kasi alarming yung 9.3 million. It is a very novel way at nagiging creative ang Comelec into raising awareness,” pahayag ni de Villa sa panayam ng church-run Radio Veritas.


Tiwala rin naman si de Villa na malilimitahan, hindi man masawata, ang mga pandaraya tuwing may halalan kung nakapag-biometrics registration ang mga registered voters.


The post Biometrics mahalaga sa halalan — De Villa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Biometrics mahalaga sa halalan — De Villa


No comments:

Post a Comment