Saturday, May 3, 2014

Ayungin Shoal pinalibutan ng barkong pandigma ng China

PINALILIBUTAN na ng barkong pandigma ng China ang Ayungin Shoal.


Ito ang balita ng mga militar na naghatid ng pagkain sa mga miyembro ng Philippine Marines na nakadestino sa nakasadsad na barko ng Pilipinas sa Ayungin.


Sakay ng eroplano, hinulog ng mga militar ang suplay ng pagkain sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nagbabantay sa Ayungin Shoal.


Dito nila natuklasan ang mga barko ng China na nakapalibot na sa Ayungin Shoal.


Ayon sa AFP, bukod sa tatlong barko ng Chinese Coast Guard, naispatan din ang isang survey ship at isang frigate na uri ng barkong pandigma.


The post Ayungin Shoal pinalibutan ng barkong pandigma ng China appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ayungin Shoal pinalibutan ng barkong pandigma ng China


No comments:

Post a Comment