KASONG parricide ang isinampa laban sa isang sundalo nang patayin nito sa sakal ang kanyang anak na babae na may hydrocephalus sa Barangay La Fortuna, Impasug-ong, Bukidnon.
Nakaditine na ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Pfc Jayson Reyes, 23, miyembro ng Military Intelligence Batallion (MIB) ng 4th ID, Philippine Army sa Camp Evangelista sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Habang nakaburol na ngayon sa kanilang bahay ang labi ng biktimang si Maria Fatima Reyes, 4.
Ayon kay Zandra Jane Ebio, ina ni Fatima, nagtitimpla siya ng gatas para sa anak nang biglang isara ni Reyes ang pintuan ng kanilang kuwarto.
Dahil kinutuban, winasak ni Ebio ang pintuan na gawa lamang sa light materials at nakitang sinasakal ni Reyes ang kanilang anak gamit ang sarili nitong sinturon.
Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit nabigo na ang mga doktor na isalba ang buhay ng bata.
Hindi naman nagbigay pahayag ang suspek kung ano ang dahilan kung bakit nito sinakal ang sariling anak.
The post Anak na may hydrocephalus, patay sa sakal ng ama appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment