PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Pilipinas sa Chile kaugnay sa kalagayan ng may 183 mga Pinoy na nakabase sa bansa, kasunod nang pagtama ng 8.2 magnitude na lindol.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, hanggang sa ngayon ay wala naman silang natanggap na report na may nasaktan na kababayan sa pangyayari.
Pinapayuhan naman ng opisyal ang pamilya ng mga Pinoy na maaring tumawag sa kanilang tanggapan o makipag-ugnayan sa Migrant Workers’ Affairs para sa mga
impormasyon.
Samantala, pinawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami threat kasunod nang 8.2 magnitude na lindol na tumama sa Chile.
Ayon kay PHIVOLCS director Renato Solidum, hindi na umano nila inaasahan na magkakaroon pa nang malaking banta sa mga coastal areas ng Pilipinas ang naturang lindol, kung kaya’t hindi na kailangan ang gagawing paglikas.
Una nang sinabi ng opisyal na bagama’t nasa kabilang bahagi ng Pacific Ocean ang sentro ng pagyanig, may ilang pagkakataon umano noon na nag-isyu ang Pilipinas ng tsunami warning.
The post ‘Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Chile’ – DFA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment