Wednesday, April 2, 2014

Japan, nagpalabas din ng tsunami alert

NAGLABAS din ng sariling tsunami alert ang Japan sa mga lugar ng kanilang bansa na nakatapat sa direksyon ng Chile, kasunod ng naitalang 8.2 magnitude na lindol.


Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), posibleng umabot ang tsunami sa taas na isang metro.


Maaari umanong tamaan nito ang mga nasa Eastern Pacific Coast regions.


Pero paglilinaw ng Japanese experts, malabo itong makapinsala sa kanilang bansa ngunit nais lamang nilang magkaroon ng awareness ang publiko.


The post Japan, nagpalabas din ng tsunami alert appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Japan, nagpalabas din ng tsunami alert


No comments:

Post a Comment