MAKIKIPAGKITA ngayong umaga si Singaporean Pres. Tony Tan Ken Yam kay PNoy para pag-uusapan kung paano mapalalakas ang relasyon ng Pilipinas at Singapore.
Batay sa impormasyon, alas-10:45 mamaya ang arrival Honors kay Pres. Yam sa Palasyo pero una itong mag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
Ito ang kauna-unahang official visit ni President Tan sa bansa at bilang reciprocal visit ng Pangulong Aquino sa Singapore noong 2011.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, pag-uusapan ng dalawang lider ang defense, trade at investment.
Ayon kay Coloma, haharap bukas si President Tan sa Philippine-Singapore Business Council para palakasin ang trade relations ng dalawang bansa.
Mag-iikot din si Yam sa Tacloban, Leyte at Basey, Western Samar na ipamamahagi ang medical supplies sa Basey District Hospital na siyang beneficiary ng joint rehabilitation project sa pagitan ng Singapore Red Cross at ng International Committee of the Red Cross.
Magugunitang ang Singapore ay pang-apat na pinakamalaking trade partner ng bansa na may kabuuang $8.22 billion halaga ng trade transactions noong nakaraang taon.
The post PNoy makikipagpulong sa presidente ng Singapore mamaya appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment