NAIIBA nga ang edition ngayon ng PBB All In kasi nga pinaghalu-halo na ang regular or main edition sa teen edition at celebrity edition, at first time raw itong ginawa sa buong mundo.
Kapansin-pansin din na this is a young group with the oldest contestant being 30 and rest are all 23 years old and younger! Wala ka ring makikitang pangit o komedyante sa grupo. Wala ring tomboy o bakla o potential na pasaway. Lahat ay magaganda at guwapo na artistahin talaga. Parang walang representative ang isang ordinaryong tao lang tulad ni Melai Cantiveros dati. Mukhang lahat ay balak gawing artista ng ABS-CBN pagtapos ng PBB at isama sa Star Circle latest batch!
At ang “shocker” sa lahat ay ang pagkakasali ni Alex Gonzaga bilang isa sa 18 housemates. Mukhang si Alex mismo ay hindi alam na ganu’n pala ang mangyayari kagabi dahil halata ang kanyang pagkasopresa. Ilang beses pa nga niyang sinabi kung totoo ba ito. Pero may paalam daw ‘yun sa mommy nila ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty kaya official talaga ang pagiging housemate ni Alex.
Ang interesting malaman ay kung paano magre-react ang ibang housemates sa pagkakaroon nila ng isang artistang co-housemate. Hindi kaya sila ma-starstruck kay Alex? Hindi kaya sila mahiyang i-vote si Alex for eviction? O baka naman si Alex pa ang manalo kasi nga paniguradong iboboto siya ng fans niya para ma-retain siya sa bahay ni kuya.
Isa lang ang sigurado, malalaman ng mga tao ang tunay na ugali at pagkatao ni Alex habang nasa loob siya ng bahay. Kasi may mga paraan si Kuya na ilabas ang totoong personalidad ng mga housemates. Naalala niyo pa ba yung nangyari kay Baron Geisler dati kung paano nabuking na isa pala siyang alcoholic? O yung paglalantad ni Rustom Padilla ng kanyang pagka-beki in national television. Ano naman kaya ang malalaman ng mga viewers sa pagkatao ni Alex? Mahirap magpakatotoo sa mga celebrities dahil may iniingatan silang image!
***
ILANG beses nang gumanap na beki si Alwyn Uytingco mula pa noon sa Ang Tanging Ina movie series kung saan gumanap siyang beki na anak ni Ai-Ai Delas Alas. Gumanap na rin siya beki sa MKK dati. At sa TV5, una siyang gumanap na beki sa Kapitan Wholesome kasama sina Martin Escudero. Sa bagong drama series ni Jazmine Curtis-Smith sa TV5 ay isang gay blogger ang role niya. At heto nga bida siya sa sarili niyang tv comic series na Beki Boxer na napapanood Lunes hanggang Biyernes 7pm sa TV5.
Okey lang daw sa kanya ang gumanap na isang beki kasi mukhang dyan siya nag-click sa televiewers. Pero ang hindi niya magawa ay yung serious gay roles tulad nang ginampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. Ang sa kanya lang, e, ‘yung pampakwela lang na bading na role. Hindi siya puwede sa man-to-man kissing.
Naisip na raw nila na lagyan ng kissing scene ang character niya sa Beki Boxer pero hindi na raw itinuloy ng production kasi nga pang-general patronage raw ang kanilang show.
Wala siyang pagdududa sa tunay niyang kasarian. Alam niya na 100% na lalaki siya.
Sa katunayan, four years na ang relasyon nila ni Jannica Garcia at going strong pa rin sila hanggang ngayon!
***
Para sa mga swimming at outings ngayong summer, we strongly recommend Klir Waterpark Resort, Kabilang Bakood, Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. May giant wavepool sila, adult pool with water bubble massage at kiddie pool with mini lazy river.
May hotel sila with airconditioned family rooms, cottages, tents and loghouse. May malalaking function rooms din sila na excellent for weddings, debut, birthday parties, seminars, trainings at team building.
Naging paborito rin silang location ngayong summer para sa TV tapings tulad ng Bubble Gang, Maynila at Wow Mali. ‘Di ba Sir Ronie Cabanjin?
The post Walang pangit at pasaway! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment