Monday, April 28, 2014

Mayor Herbert, hindi kasama dahil baka mas pag-usapan pa sila kaysa kay Pres. Obama!

UMAGA pa lang ng Lunes ay naka-post na sa Instagram ni Kris Aquino na ang gown with matching terno ng shoes na susuotin niya para sa state dinner ng MalacaƱang para kay US President Barrack Obama.


Filipiniana dress with matching lace na kulay blue-violet ang ginawang dress ni Cary Santiago for Kris at may apat na shoes ang pagpipilian ng Queen of All Media na ka-terno ng dress. Hopefully, ‘di kasing baba ng cleavage ang damit na ‘to ni Kris kapag sinuot niya na gaya ng suot niya sa pa-dinner ng MalacaƱang sa ibang leader ng other countries.


For sure, ‘di raw isasama sa state dinner as escort ni Kris ang nali-link sa kanya ngayon na si QC Mayor Herbert Bautista. Or else, tiyak na sila ang mas pag-uusapan kesa kay Obama. Ha!Ha!Ha!


We wonder kung itsika ni Kris kay Obama na pupunta siya sa New York, USA sa August.

Puwede, ‘di ba?


Naka-post na rin kasi sa Twitter account ni Kris last Sunday na work, work, work ang drama niya until August. Then, fly raw siya to New York City to fulfill a dream. At doon manonood ng concert ni Eminem at Rihanna.


-ooOoo-


MAY panawagan ang batikang aktor na si Ronnie Lazaro kay Senador Grace Poe at sa iba pa’ng concern leaders sa movie industry.


“Sana masabi natin sa kanila na sana sa isang buwan may isang lingo o kaya sa dalawang buwan may isang lingo, o kaya sa tatlong buwan may isang lingo, na kagaya ng MMFF (Metro Manila Film Festival) na merong all-Filipino films ang ipinapalabas sa buong Pilipinas. Kung puwede lang natin mahingi ‘yan para magkaroon ng trabaho at magkaroon ng excitement pa para gumawa ng magandang pelikula,” panawagan ni Ronnie.


Meron na raw siyang naiisip na konsepto kung paano ito gagawin pero unahin na raw ang magkausap muna sila ni Sen. Grace. Dating member ng Board of Directors ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) si Ronnie.


“Nu’ng itinayo ang OPM, isa sa aming programa, noon kasi puro ano foreign music, kahit isang musika lang sa airport na mga Pilipino (songs) naman. Ang nakakatuwa sa atin, bayan na natin ‘to tayo pa ang nakikipaglaban sa mga dayuhan. Parang sinasakop pa rin tayo ng mga dayuhan,” lahad ulit ni Ronnie.


Incidentally, tapos na tapos na ang first directorial job ni Ronnie, ang indie film na “Edna” na pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Irma Adlawan at produced by Artiste Works International, Inc. na pag-aari ni Tonett Gedang.


Destiny para kay Ronnie ang pagiging direktor niya. Ang producer at long-time friend niya na si Tonet ang nag-alok sa kanya na siya na rin ang magdirek ng “Edna” na siya rin ang nakaisip ng konsepto.


Hindi naman daw siya sobrang na-pressured sa paggawa ng pelikula. In fact, they had fun doing “Edna” sabi ni Ronnie. “It is possible to have fun and pressure, but we manage to have fun because we have support. Your producer is supporting you and technical people are supporting you,” ngiti niya.


Ayaw naman niya magbigay ng definition sa sarili bilang director.


“Matutuwa si Tonet kapag narinig niya ang salitang define because my philosophy is no definition. To me to develop a no definition mas lalawak ang pag-iisip mo, lalalim ang pagtingin mo sa buhay. So, hindi mo ide-define ang sarili mo, hindi mo ide-define ang kapwa mo tao, mas ano ka, mas relax ka, ‘di ba?”


Korek!


The post Mayor Herbert, hindi kasama dahil baka mas pag-usapan pa sila kaysa kay Pres. Obama! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mayor Herbert, hindi kasama dahil baka mas pag-usapan pa sila kaysa kay Pres. Obama!


No comments:

Post a Comment