Monday, April 28, 2014

Pagtatayo ng US base sa Pilipinas itinanggi ni Obama

KINUMPIRMA mismo ni US President Barack Obama na walang layunin ang Estados Unidos na magtayo ng base-militar sa pamamagitan ng nilagdaang Enhanced Defense Comprehensive Agreement (EDCA) sa pagitan nito at ng Pilipinas.


Binigyang-diin ni Obama na layunin lang ng EDCA na palakasin ang defense capability at kooperasyon ng dalawang bansa kabilang na rito ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.


Matatandaang sinelyuhan kaninang umaga ang kasunduan sa Camp Aguinaldo nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.


Sa EDCA ay mabibigyan ng access ang tropang Kano sa military camps sa bansa kung saan maaaring maglagay ang US ng fighter jets at barkong pandigma.


The post Pagtatayo ng US base sa Pilipinas itinanggi ni Obama appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagtatayo ng US base sa Pilipinas itinanggi ni Obama


No comments:

Post a Comment