Sunday, April 27, 2014

SEC. ALMENDRAS KAPALMUKS; AT RD NG REGION 5 TSINUBIBO

burdado-jun-briones216 BAGO tumulak si Manila Mayor Erap Estrada para humingi ng paumanhin sa mga taga-Hong Kong ay maliwanag sa buong mundo na may pinaiiral na “sanction” ang nasabing bansa laban sa Pinas.


Alam din ng lahat na ang dahilan nito ay ang paninindigan ni PNoy na huwag mag-sorry kaugnay ng “hostage drama” sa Luneta kung saan namatay ang maraming turistang taga-Hong Kong.


Kaya nga hindi natin malirip kung bakit matapos maareglo ni Erap ang Hong Kong government ay biglang umepal itong si Cabinet Secretary Rene Almendras na kesyo ay inisyatiba ng Palasyo ang pagkakaayos sa relasyon ng dalawang bansa.


King-ina naman, Sec. Almendras, ganyan na ba kakapal ng iyong mukha para umepal nang wagas? Hindi ba’t ang inyong mga payo kay PNoy na huwag mag-sorry sa Hong Kong ang dahilan kaya umabot sa puntong naglabas sila ng sanction laban sa Pinas?


Hindi ba’t patuloy mong ipinangangalandakan na ikaw o si PNoy ay hindi nag-sorry?


Hindi ba’t ang tanging kondisyon ng Hong Kong para alisin ang sanction ay dapat mag-sorry?


Oh, hindi naman pala kayo nag-sorry ni PNoy, hindi ka ba nagtataka kung bakit naayos ang gusot? ‘Di ba si Erap ang nag-sorry kaya nagkaayos?


Mahiya naman kayo ng amo mo! Hmp!


-o0o-


MATAPOS magbigay ng kautusan kay Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison na ipatigil ang iligal na sugal sa Masbate, inasahan ni Region 5 RD C/Supt. Victor Pelota Deona na matutuldukan na ang nasabing iligal na gawain.


Pero mali si General. Maling-mali! Dahil hanggang ngayon ay lantaran pa rin ang lotteng nina Biboy Sese at Jie Yuson sa (1st Dist.).


Babyboy Tan, Perla Manlapaz, Benjie Lim, Rex Cabug, Boyet at Nong Amaro, Nap Arguelles, Arjay Lim at Bert Chu na ang katiwaldas ay si Asing Dalanon sa (2nd Dist.). At Danny Olmella, Goling Ching, Jojo Aum at Jeorge Hao sa 3rd Dist.


Sige nga, Gen. Deona, sabihin mo sa akin kung hindi ka tsinutsubibo ng iyong mga tauhan!


Maging sa lalawigan ng Albay kung saan isang Jun Alegre ang nagpapakilalang “bagman” ni Gov. Joey Salceda sa operasyon ng iligal na sugal ay makikitang walang pangil ang kapulisan.


Dahil ba ito sa ipinagyabang ni Alegre na una niyang inaasikaso ang lingguhang parating para kay RD Deona kaya largado ang iligal na sugal na lotteng sa buong Albay?


Si Jun Alegre na dating “mediaman” ay pinagtatawanan lang umano si Gen. Deona tuwing naibibigay na niya ang “weekly payola.” Hak, hak, hak! Pwe!


The post SEC. ALMENDRAS KAPALMUKS; AT RD NG REGION 5 TSINUBIBO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SEC. ALMENDRAS KAPALMUKS; AT RD NG REGION 5 TSINUBIBO


No comments:

Post a Comment