MAY karapatang magalit si Claudine Barretto at isumpa itong kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Aba’y ang hilig daw nitong kumuha sa kanilang conjugal property ng hindi niya nalalaman noong sila’y nagsasama pa at hanggang sa maghiwalay. Anong silbi ng conjugation kung sinusulo lang niya ang pagdedesisyon?
Nu’ng una, halos mabaliw-baliw daw si Claudine dahil ang 25 milyon niya sa bangko ay nawawala, ‘yon pala’y kinuha ng kanyang mister. Nakonsensya raw ito at ibinalik ang 12.5 million.
Noon namang nagkakagulo ang lahat dahil sa nawawalang 3 paintings at Louis Vuitton luggage kaya napagbalingan ng aktres ang dalawang kasambahay niya at idinemanda ng qualified theft na umamin naman daw ng kanilang kasalanan at ito’y naka-video pa, pero ang tunay na ‘salarin’ pala rito ay ang aktor.
Ayon mismo sa abogado ng dalawang maid sa panayam ng Pep.ph, “In his affidavit, sinabi ni Raymart na hindi naman ninakaw ng dalawang katulong ang luggage, pero kinuha niya dahil sa kanya ‘yun.”
Maganda ang ginawa ni Raymart. Kahanga-hanga dahil tinulungan niya ang mga biktima. Bayani ang tingin sa kanya ngayon ng dalawa at ng mga kamag-anak ng mga ito maging ng publiko, at sirang-sira naman si Clau. Pero bakit kailangan pang umabot sa puntong ‘yan?
Kung noong una pa lang ay sinabi na niya sa kanyang hiniwalayang misis na kinuha niya ito hindi na sana umabot sa demandahan, at ‘yung 100k na piyansa para sa robbery case (Counter charges ng dalawang house helper nina Claudine na kinunan daw ng aktres ng cellphone at iba pang gadget bilang kapalit sa kinuha nilang paintings at signature bag bago niya ito pinaalis sa kanilang bahay) ng huli ay naidagdag na lang sa tuition fees nina Sabina at Santino na maagang napa-enroll ni Ms. Claudine for the school year 2014-2015.
Naaning-aning na ang asawa niya sa kahahanap ng mga bagay na ‘yon, siya lang naman pala ang kumuha. Nagkaroon ng legal battle sa korte sa loob halos ng walong buwan, hindi man lang nakonsensya si Santiago at inilabas ang mga gamit na iyon para natapos na nang walang nasasaktang damdamin at napapahiyang mga tao. Pinabayaan niyang gumulong ang kaso at tumestigo pa laban sa nanay ng kanyang anak na si Santino. Ano ito, plinano at kinasabwat niya ang dalawa para lalong masira ang orihinal na reyna ng teleserye?
Sobra namang pagpapahirap ang ginagawa niya kay Claudine. Ginawa pa niya itong tanga?
Inaakusahan nilang nababaliw ang aktres, eh, sila naman ang may dahilan kaya magkaganito ito. Sino ang hindi mapapraning kung ang pinaghirapan mong milyones ay bigla na lang maglaho sa bangko, ang mga mamahalin mong gamit ay nangawala na lang bigla at ang mga anak mo’y solo mong binubuhay at wala ka namang trabaho, aber?
Tsk! Tsk! Tsk!
Gayunman, sa kabila ng lahat ng mga nangyayaring ito, sana’y magkasundo pa rin sila alang-alang sa kanilang mga anak. Nailabas na nila ang sama ng loob sa isa’t isa, may mga kaso ng dinidinig, pero sana pagkatapos nito ay magkapatawaran sila.
Si Gretchen Barretto naman imbes na makialam, tumahimik na lang. Kung mahal mo ang kapatid mo, kagaya ng sinasabi mo, tulungan mo na lang at huwag ng dikdikin pa.
***
TONI ‘HELLO WORLD’ GONZAGA SA PBB
BUHAY na naman ang weekend night dahil sa pagbabalik ng fifth season ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN Channel 2 na nagkaroon ng live kick off last Sunday, April 27. Umaalingawngaw na naman sa boobtube ang boses ng original host na si Toni Gonzaga at ang kanyang pambungad na pagbating “Hello Philippines and hello World.”
Basta si Toni buhay na buhay ang programang hawak nito dahil sa kanyang alive and wacky hosting. Kasama pa ang magaling at dati ring host na si Bianca Gonzales na engaged na sa PBA player na si JC Intal. Sayang at wala na ang kasama nila rati na si Mariel Rodriguez na asawa na ni Robin Padilla. Pero may on-going talks pa raw sa pagitan nina Mariel at ng Kapamilya management. Baka raw magbago pa ang isip ni Boss Gabby Lopez.
Hindi kaya sa 6th season ng PBB ay may mga anak na sina Bianca at Mariel pero si Toni ay dalaga pa rin?
Meanwhile, ang younger sister ni Toni na isa ring magaling na host na si Alex Gonzaga ay excited na ring maging Pinoy Big Brother host for the first time, at ang mga kalog na sina John Prats at robi Domingo ay nandiyan din.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Claudine na-set-up ni Raymart? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment