MUKHANG sobra talaga ang inaabot na kamalasan nitong si DILG boss Mar Roxas.
Sunod-sunod kasi ang kapalpakan niya sa madla na nagiging dahilan para lalo siyang mabaon sa kumunoy ng pagbagsak ng kanyang karerang pulitikal.
Maging ang Liberal Party (LP) na kanyang partido ay nag-iisip na rin ng mga bagong pamamaraan para maibangon si Roxas dahil alam nilang kakain ito ng alikabok kay VP Jojo Binay, na nagiging consistent sa pagiging number one nitong presidentiable sa 2016.
Malinaw naman kasi na maganda ang diskarteng ginagawa ng grupong Binay at diyan daig ang Roxas group dahil magaling magdala at maglaro ang grupo ng mamang maitim na taga-Makati.
Kung may ibinabato mang negatibong issues kay Binay ay puro lamang ito inulit kaya’t dehins na ito kinakagat ng publiko samantalang si Roxas na ginagawa ang lahat para kagatin lamang siya ng masang mamboboto ay mukha namang walang ginagawang tama sa mata ni Juan dela Cruz.
Lahat na yata ng puwedeng ibigay na exposure kay Roxas ay ibinigay na ni PNoy pero sadyang mabagsik lamang ang tadhana dahil sa halip na maging pogi points ito ni Roxas ay talaga lang naman ay lalo itong sumasadsad.
Nagsimula sa diskarte nito sa Yolanda, pagkakasangkot nito sa pagbili ng train sa MRT at ang pinakahuli ay ang umano’y pagwawala nito sa isang golf course.
Sa pinakahuling insidente sa golf course, nilibak daw nito ang mga tauhan ng Wack-Wack golf and country club, na lalong nagpatingkad sa kanyang pagkatao bilang isang ilustrado na isang anti-mahirap.
Sangkatutak na himala at buenas ang kailangan ngayon ni Roxas at iyan ang dasal ngayon ng kanyang LP dahil mukhang kinakapos na sila sa oras para makuha muli ang simpatiya ng publiko.
The post ROXAS, MAKABABANGON PA KAYA? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment