Sunday, April 27, 2014

SAMPAL SA AQUINO GOV’T

pakurot5 TOTOONG hindi pagiging duwag ang pag-amin sa pagkakamali at sa halip ay pagpapakita ito ng kababaang loob tulad ng ginawa ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pag-ako sa kasalanan sa naganap na 2010 Manila Hostage Crisis.


Natuldukan ang tampuhan sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong dahil sa paghingi ng tawad ni Mayor Estrada para sa mga sangkot sa naganap na madugong trahedya kung saan may 10 katao ang nasawi, kabilang na ang pulis na nang-hostage.


Dapat ay noon pa ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III at dating Manila Mayor Alfredo Lim ang paghingi ng tawad sa naganap na kapalpakan subalit dahil matataas ang kanilang ere ay hindi nila ginawa. Kaya mas lalong tumindi ang hidwaan at ang naapektuhan ay karamihan ng mga Filipino domestic helper at professional na nasa Hong Kong ang kabuhayan.


Hindi ba’t sampal ito sa pamunuan ni Pangulong Noynoy sapagkat ang hakbang na dapat siya ang gumawa ay inako ng iba upang maiayos lang ang samahan at kalakalan sa pagitan ng Hong Kong at Pilipinas?


Aba’y marami nang utang na loob si Pangulong PNoy sa dating Pangulo na kanyang nilait-lait noong 2010 elections dahil sa pagnanais na makamit ang puwestong inaasam-asam. Mabuti na lang, nasa wastong pag-iisip si Mayor Estrada at hindi niya pinatulan ang dating senador na wala sana sa Senado kung hindi inampon ng Genuine Opposition (GO) matapos humingi ng tawad ang kanyang butihin ina.


Marami ang natuwang overseas Filipino workers sa Hong Kong sa ginawa ni Mayor Erap sapagkat hindi na sila kakaba-kaba sa posibleng kahinatnan ng kanilang buhay at estado sa nasabing lugar.


Mas maganda sana ay isinama ni Mayor Estrada ang mga pulis na silang sumalo ng parusa na dapat sana ay ipinataw kay Mayor Lim at kanyang mga opisyal ng pulisya na sa halip na maparusahan ay naitago sa madla ang pagkakamali at nabigyan pa ng promosyon gayung kung talagang inaral ang kaso ay hindi papasa, lalo na’t pagbabatayan ang “Tamang Bihis.”


Kailan pa nag-asal ang pulis na ala “Robin Padilla” na nakabaliktad ang sombrero habang minamaso ang tourist bus na naglalaman ng hostage at hostage taker? Naparusahan ba ang opisyal na ito? Hindi ba’t na-promote pa ito? Halimbawa ba ito ng “Daang Matuwid” ni Pangulong Aquino.


o0o

Belated Happy Birthday to Jake Calangui of Anilao Camper in Anilao, Mabini, Batangas, who celebrated yesterday. Classmate, sorry I was not able to attend your luncheon blow out. But for sure I will go there for scuba diving. he he he!


The post SAMPAL SA AQUINO GOV’T appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SAMPAL SA AQUINO GOV’T


No comments:

Post a Comment